Kabataang Lingkod: In or Out?
by: JOANNA MARIE DAVID (July - October 2012)
illustration by: LESYN ALLAUIGAN
Ang mga kabataang lingkod ng simbahan ay hindi rin nalalayo sa ordinaryong kabataan na makikita sa ating komunidad. Naglalaro, nakikisalamuha, may nakakasamaan ng loob, at syempre, nakakagawa rin ng mga pagkakamali. Tulad ng iba, tao rin at nagkakasala. Ngunit ang pagiging lingkod ng Diyos ay isang mabigat na tungkulin – isang responsibilidad na kailangang alagaan at pagyamanin. Kapag ikaw ay naglilingkod sa Diyos, kailangan mong maging huwaran sa iba upang maipakita mo kung sino ang iyong pinaglilingkuran. Hindi pwede ang “pwede na” o “basta lang” sapagkat lahat ng iyong gagawin ay sa Kanya mo iaalay.
Kapag ikaw ay nagkamali o nakagawa ng hindi maganda, natural lamang na mapagalitan, masigawan, pangaralan, o minsan, kapag mabigat ang iyong nagawa, ay maaaring masuspinde. Iyan ay ilan lamang sa naranasan ng mga kabataang lingkod ng parokya. Umabot sa punto na nasuspinde ang ilan sa mga miyembro ng Parish Youth Ministry (PYM) noong buwan ng Hunyo. Ito ang pinakamabigat na parusa na maaaring matanggap ng isang lingkod dahil hindi maaaring makapagserve hangga’t hindi pinahihintulutan. Ngunit hindi ito dahilan upang panghinaan ng loob, tumigil sa paglilingkod, umalis sa grupong kinabibilangan o sa simbahan. Ito ay nagsilbing aral para sa lahat na mas maging responsable sa bawat pagkilos, inspirasyon upang patuloy na lumago at pagbutihin ang paglilingkod, matutong humingi ng tawad at magpatawad, at patuloy na magmahal sa Diyos at sa kapwa. Noong buwan ng Agosto ay tuluyan nang tinanggal ang pagkakasuspinde ng mga miyembro ng PYM. Muling bumalik ang sigla sa paglilingkod ng mga kabataan at patuloy na nagbibigay ng oras at sarili sa Diyos at sa kapwa. Tunay nga na ang paglilingkod ay isang bagay na hindi matutumbasan at maipagpapalit sa kahit na anong bagay, dahil ang iyong puso ay mapupuno ng pagmamahal at ang iyong buhay ay pupuspusin at pagpapalain ng Diyos, na siyang magiging dahilan upang ikaw ay magkaroon ng makabuluhang buhay. Ang paglilingkod ay hindi dapat iwasan at katakutan, kundi dapat mahalin at matutunan.